Kritikal ang pitong taong gulang na batang babae sa Caloocan matapos umano siyang iumpog ng nanay ng kaniyang kaibigan.
Ayon sa ulat ng News5 noong Sabado, Enero 26, 2025, nangyari ang insidente sa bahay ng suspek kung saan naglalaro ang kaniyang anak at ang biktima.
Nangyari ang nasabing insidente noong Biyernes, Enero 24, na ayon sa ulat ay nasaksihan pa raw ng anak ng suspek, ang sinapit ng kaniyang kaibigan. Ayon sa ina ng biktima, nakararanas umano ng depresyon ang suspek na kapapanganak lang daw.
“Actually, gusto niyang ipaampon ang anak n'ya. Hindi ko na kaya kasi dalawa na ang inaalagaan ko. Sabi ko dito ka muna sa akin magtulungan tayo,” saad ng ina ng biktima.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek na mahaharap sa reklamong frustrated murder.