January 30, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mikee Morada, binalaan daw ng isang artista: 'If I were you, 'wag na si Alex!'

Mikee Morada, binalaan daw ng isang artista: 'If I were you, 'wag na si Alex!'
Photo Courtesy: Screenshots from Toni Talks (YT)

Bakit nga ba ipinagpatuloy pa rin ni Lipa City Councilor Mikee Morada ang panliligaw kay Alex Gonzaga kahit binalaan na raw siya ng isang artista?

Sa latest episode kasi ng “Toni Talks” nitong Linggo, Enero 26, inungkat ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga ang tungkol sa unang pagbisita ni Mikee kay Alex sa ASAP.

“Kinuwento sa akin ni Alex na no’ng una mong bisita sa ASAP, may isang artistang nagtanong sa ‘yo,” lahad ni Toni. “‘Bakit ka nandito?’ Tapos ang sagot mo is ‘Bibisitahin ko si Alex.’ Tapos ang sagot sa ‘yo ng artista na ‘yon is ‘Naku, if I were you, ‘wag na. ‘Wag na si Alex.’ Pero tinuloy mo pa rin.”

“Siya talaga ‘yong gusto kong makilala,” tugon naman ni Mikee. “Tapos no’ng nakikilala ko siya unti-unti lumalalim, ito parang makakasama ko ‘to habang-buhay,” 

Relasyon at Hiwalayan

Alex Gonzaga, ibinida 'favorite memory' kay Mikee Morada

“Deep inside ‘pag nakilala mo siya, napakamabuti at masarap niyang mahalin,” pagpapatuloy pa niya.

Gayunman—ayon kay Mikee—sa loob ng limang taon nilang pagsasama ni Alex bilang mag-asawa, nagkaroon naman daw ng pagbabago sa mga katangian nito.

“‘Yong nabago sa kaniya, siguro mas patient na rin siya. Mas marunong na rin siyang makisama. Mag-compromise,” aniya.

Samantala, ang mga hindi raw talaga nagbabago pa kay Alex ay ang pagiging makulit nito.

“Minsan, stubborn siya. Pero minimal lang naman, e. Overall talagang okay,” sabi pa ni Mikee.