Usap-usapan ng mga netizen ang viral video ng Kapuso hunk actor Jak Roberto habang nagpe-perform sa isang out of town show sa San Pablo, Laguna.
Sa bandang dulo kasi ng video, pinalitan kasi ng ilang mga manonood ang isang salita sa lyrics ng awiting "Hanggang Kailan" ng bandang Orange and Lemons.
Sa halip kasi na "Umuwi ka na Baby" ang isigaw ng mga manonood, ang sinabi nila ay "Umuwi ka na Barbie..."
"Ano?" natatawang sabi ni jak, na mukhang hindi naman napikon sa hirit ng mga netizen.
Ang Barbie na inaasar sa kaniya ay walang iba kundi ang ex-girlfriend na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza.
Matatandaang sa pagpasok ng 2025 ay inanunsyo ni Barbie ang opisyal na paghihiwalay nilang dalawa, matapos ang pitong taong relasyon.
Hindi naman sinabi ni Barbie ang dahilan ng hiwalayan nila ng aktor.