May 12, 2025

Home BALITA National

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0 magnitude na lindol

Surigao del Norte, niyanig ng 4.0 magnitude na lindol
(Phivolcs)

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Surigao del Norte nitong Sabado ng umaga, Enero 25.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol bandang 8:12 ng umaga sa Burgos, Surigao del Norte. 

May lalim ito na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig. 

Bago ang magnitude 4.0 sa Burgos, niyanig naman ng magnitude 2.3 ang San Isidro dakong 8:04 ng umaga. 

National

Frontal system, nakaaapekto sa E. Northern Luzon, easterlies sa mga natitirang bahagi ng PH

Samantala, walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang mga naganap na lindol.