January 27, 2025

Home BALITA Probinsya

Senior citizen at mga alagang aso, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay

Senior citizen at mga alagang aso, patay matapos ma-trap sa nasusunog na bahay
Photo courtesy: contributed photos/Facebook

Patay ang 79 taong gulang na lola at kaniyang dalawang alagang aso matapos ma-trap sa nasusunog niyang bahay sa Camiling, Tarlac. 

Ayon sa ulat ng GMA News Online, natagpuan sa banyo ang natupok na bangkay ng matanda kasama ang kaniyang mga alagang aso, matapos maapula ang sunog na inabot ng tinatayang isang oras.

Sa panayam ng media kay SFO3 Venerando Rico, Jr., Chief Operations Officer ng Camiling Fire Bureau, napag-alamang mag-isa lang na nakatira ang matanda sa nasunog na bahay.

"Solo living siya tapos may dalawa po siyang alagang aso. Bale kasama niya po sa banyo noong matagpuan namin po siya," ani Rico. 

Probinsya

Lalaking nabalian ng buto matapos mapeke ng chiropractor, pumanaw na

Gawa rin daw sa mga light materials ang dalawang palapag na bahay ng biktima, kung kaya't hinihinala ng mga awtoridad na mas naging mabilis ang pagkalat ng apoy. 

Samantala, hindi rin daw iniaalis ng mga awtoridad na napabayaang kandila umano ang pinagmulan ng sunog.