January 26, 2025

Home BALITA National

Matapos magkapatawaran: De Lima, nakasama si Roman at pamilya nito

Matapos magkapatawaran: De Lima, nakasama si Roman at pamilya nito
Courtesy: Leila de Lima/X

Masayang ibinahagi ni dating Senador Leila de Lima ang naging pagsasama nila ni Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman at ang pamilya nito noong Biyernes, Enero 24.

Sa isang X post noong Biyernes, ibinahagi ni De Lima ang ilang larawan niya kasama ang pamilya ni Roman sa Balanga, Bataan.

“Maraming salamat, Congresswoman Geraldine Roman, sa sandaling pagkakataong makasama ka at ang iyong pamilya,” ani De Lima sa kaniyang post.

“Napaka-warm at welcoming niyo,” saad pa niya.

National

Dahil sa Isra Wal Mi’raj: Enero 27, Muslim holiday — Malacañang

Matatandaang noong Disyembre 2024 nang ihayag ni De Lima na humingi sa kaniya ng tawad si Roman dahil sa pananahimik daw nito noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa takot.

Ani De Lima, aminado siyang nasaktan siya sa naging pananahimik ni Roman nang gipitin umano siya ng administrasyong Duterte, ngunit naiintindihan at pinapatawad na raw niya ito.

MAKI-BALITA: De Lima, pinatawad si Congw. Roman kahit daw nanahimik ito dahil sa takot kay FPRRD