Walang habas na pinagbabaril sa harapan ng kanilang apat na taong gulang na anak ang mag-asawang negosyante sa Zamboanga City.
Ayon sa mga ulat ng Radyo Amigo 97.3 FM kamakailan, bumibisita lamang umano ang pamilya sa ipinapatayo nilang tindahan nang lapitan sila ng gunman at saka pinagbabaril.
Ligtas naman ang bata at isinailalim na sa psychological debriefing bunsod ng nasaksihang krimen.
Isa umano sa tinitingnan na anggulo ng mga awtoridad sa pagpatay sa mag-asawa ay ang away sa lupa.
"Lumalabas na it's all about the land dispute. The perpetrator is the owner of the land where the couple has been allegedly illegally settling for over nine years," ani Zamboanga City Police Office Director, Police Colonel Kimberly Molitas sa media.
Samantala, nasakote na ng pulisya ang 51-anyos na suspek sa isinagawa nilang hot pursuit operation sa Isabela, Basilan.
Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.