Ibinida kamakailan ni Chloe San Jose ang pamamasyal nila ng boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa Camp Hiatus sa Tanay, Rizal.
Makikita sa Facebook post ni Chloe noong Enero 21 ang mga kuhang larawan nila ni Caloy habang makikita sa background ang isang anyong-tubig.
Tinawag ni Chloe na "Forever Adventure Buddy" ang kaniyang boyfriend na si Caloy, na flinex naman ang kaniyang bagong sasakyan.
MAKI-BALITA: Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe
"adventuring into the wild with my forever adventure buddy ," mababasa sa caption.
Nagpasalamat naman ang Tagpuan Camp & Ecopark sa pagpili sa kanila ng mag-jowa para gawin ang kanilang adventure.
"Thank you again for choosing our trails for your nature trip!" anila.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Gagalit na naman yung mga thunders na walang narating jan haha"
"haters pasok nag babagang balita ito"
"Mamumula na naman sa galit ang mga inggit na bashers"
"Bula na naman bibig ng mga galit sayo hahahaha."