May pahabol na banat si Kapamilya actress Chie Filomeno sa dating kasama sa girl group na "GirlTrends" na si Dawn Chang matapos niyang sitahin ito nang dahil sa "blind item" sa naging panayam sa kaniya nina Stanley Chi at Anjo Yllana noong Oktubre 18, 2024.
Sa nabanggit na panayam, nauntag ni Stanley si Dawn kung may nakaaway na ba siyang artista?
Sagot ni Dawn, "Meron ba? Wala ako maalala, ah meron isa lang, pero pinagtanggol ko lang sarili ko."
"Bakit, anong issue?" tanong naman ni Anjo.
"Itong si Girl nagre-rehearse kami ng dance, inagawan ba naman ako ng position sa steps tapos inaway ako, nagpa-interview pa, ako daw nang-away."
Humirit pa si Anjo kung ang tinutukoy ba niya ay si showbiz insider Cristy Fermin, na kung matatandaan, ay nakaaway online ni Dawn noong kasagsagan ng 2022 national elections, na umabot pa nga sa legal na usapin.
Sey naman ni Daw, "Hindi no pero ka-initials niya haha at meron na siyang sinabunutan dati."
Ibinahagi naman ni Chie sa kaniyang X post, Biyernes ng gabi, Enero 24, ang art card ng nabanggit na panayam at direktang sinita si Dawn.
"Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako@thedawnchang? ," anang Chie.
"About the rehearsal, that NEVER happened. At alam ng prod sa Showtime yun, actually yung staff sa showtime nagsabi sa akin about this kanina at nagulat din sila. Your mouth is full of lies talaga no?"
"Sige nga bakit ko muna hinila yung buhok? Balik ko sa’yo sinabi mo 'Pinagtanggol ko lang sarili ko ah.'"
Sa isa pang X post, muling bumanat si Chie.
"Naka move on na lahat. Tahimik na buhay ko, andoon pa din si ate mo Dawn. 2025 na, tumigil ka na kung hindi mo kaya mag name drop. Last ko na to. ."
MAKI-BALITA: Chie binuweltahan si Dawn: 'Your mouth is full of lies talaga no?'
Samantala, usap-usapan naman ang X post ni Dawn na sa halip na sagutin ang direktang pasaring sa kaniya ni Chie, ay nag-flex pa ng kaniyang eye lash extensions.