February 05, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Chie binuweltahan si Dawn: 'Your mouth is full of lies talaga no?'

Chie binuweltahan si Dawn: 'Your mouth is full of lies talaga no?'
Photo courtesy: Chie Filomeno, Dawn Chang (IG)

Hindi pinalagpas ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno ang pa-blind item na tsika ni actress-dancer at dating kasamahan sa girl group na "GirlTrends" na si Dawn Chang dahil sa naging panayam niya sa show nina Stanley Chi at Anjo Yllana.

Sa nabanggit na panayam noon pang Oktubre 18, 2024 sa One News YouTube segment na "Men’s Room," nauntag ni Stanley si Dawn kung may nakaaway na ba siyang artista?

Sagot ni Dawn, "Meron ba? Wala ako maalala, ah meron isa lang, pero pinagtanggol ko lang sarili ko."

"Bakit, anong issue?" tanong naman ni Anjo.

Tsika at Intriga

BINI Jhoanna, nagsalita sa tsikang malalagasan sila ng isang miyembro

"Itong si Girl nagre-rehearse kami ng dance, inagawan ba naman ako ng position sa steps tapos inaway ako, nagpa-interview pa, ako daw nang-away."

Humirit pa si Anjo kung ang tinutukoy ba niya ay si showbiz insider Cristy Fermin, na kung matatandaan, ay nakaaway online ni Dawn noong kasagsagan ng 2022 national elections, na umabot pa nga sa legal na usapin.

MAKI-BALITA: Cristy Fermin may banat kay Dawn Chang: 'Wala kang mararating kung hindi ka nakikipag-landian sa mga boss'

MAKI-BALITA: ‘Kulong o public apology?’ Dawn Chang, pinalagan ang mabigat na alegasyon ni Cristy Fermin

MAKI-BALITA: Dawn Chang hinggil sa 'ispluk' ni Cristy Fermin: 'Naghihintay din ako ng pruweba. Ang tagal!'

MAKI-BALITA: Cristy Fermin, abogado lang daw ni Dawn Chang ang irereklamo, sey ni Atty. Topacio

MAKI-BALITA: Abogadong lumaban vs Cristy Fermin: Dawn Chang, iflinex ang bagong boyfriend

Sey naman ni Daw, "Hindi no pero ka-initials niya haha at meron na siyang sinabunutan dati."

Ibinahagi naman ni Chie sa kaniyang X post, Biyernes ng gabi, Enero 24, ang art card ng nabanggit na panayam at direktang sinita si Dawn.

"Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako@thedawnchang? ," anang Chie.

"About the rehearsal, that NEVER happened. At alam ng prod sa Showtime yun, actually yung staff sa showtime nagsabi sa akin about this kanina at nagulat din sila. Your mouth is full of lies talaga no?"

"Sige nga bakit ko muna hinila yung buhok? Balik ko sa’yo sinabi mo 'Pinagtanggol ko lang sarili ko ah.'"

Sa isa pang X post, muling bumanat si Chie.

"Naka move on na lahat. Tahimik na buhay ko, andoon pa din si ate mo Dawn. 2025 na, tumigil ka na kung hindi mo kaya mag name drop. Last ko na to. ."

Samantala, usap-usapan naman ang X post ni Dawn na sa halip na sagutin ang direktang pasaring sa kaniya ni Chie, ay nag-flex pa ng kaniyang eye lash extensions.