February 05, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Belle Mariano, Donny Pangilinan nagsalita sa real-score nilang dalawa

Belle Mariano, Donny Pangilinan nagsalita sa real-score nilang dalawa
Photo Courtesy: Belle Mariano (IG)

Inusisa ni showbiz insider Ogie Diaz ang magka-love team na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan matapos ang media conference ng kanilang up-coming TV series na “How To Spot A Red Flag.” 

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, pabirong sinagot ng dalawa ang tanong ni Ogie.

“Ten,” sagot ni Belle sabay tawa.

Segunda naman ni Donny, “4-0.”

Relasyon at Hiwalayan

Kasal nina EA Guzman, Shaira Diaz may petsa na!

Sa kabila nito, ibinahagi naman nila sa mediacon kung paano nila pinapakilig ang isa’t isa.

Sabi ni Belle, “Since mahaba ang buhok ko, so it takes more time for me to dry it up or mag-ayos to get ready. He [Donny] always comes to my dressing room just to say hi. So, that makes me kilig.”

“There’s a lot of ways naman po. Like, let say, minsan randomly bigla siyang mag-oorder ng food tatanungin niya ako, gano’n,” dugtong pa niya.

Ayon naman kay Donny, “Weird ‘yong sasabihin ko, e. Kasi the last time na kinilig ako sa ‘yo [Belle], it wasn’t in our scene or anything. It was when I saw you sa ‘Incognito.’ Kasi nakita ko kung gaano ka kagaling.”

Sa kasalukuyan, wala pa talagang kinukumpirma sina Donny at Belle tungkol sa relasyon nila bagama’t minsan na ring inintriga na hiwalay na umano sila.

MAKI-BALITA: Di pa nga umaamin: DonBelle, pinagsuspetsahang hiwalay na