Usap-usapan ng mga netizen ang naging paglalarawan ni broadcast-journalist Korina Sanchez-Roxas sa lasa ng pamosong "beef wellington" ng renowned celebrity chef na si Gordon Ramsay, sa "Agenda" ng Bilyonaryo News Channel (BNC).
Habang kausap niya ang co-news anchor na si Pinky Webb, sinabi ni Korina na maihahalintulad niya ito sa sikat na Filipino dish na "embutido."
Ang beef wellington ay signature dish ni Ramsay sa kaniyang restaurant dito sa Pilipinas.
Kamakailan lamang ay nasa Pilipinas si Ramsay para sa kaniyang "meet-and-greet" kung saan nakahalubilo niya ang ilan sa celebrity chefs ng Pilipinas, kagaya na lamang nina Ninong Ry, Abi Marquez, at Judy Ann Santos-Agoncillo.
MAKI-BALITA: Lumpia ni Abi Marquez, aprub ba kay Gordon Ramsay?
Pahayag ni Korina, "Yun ang sinasabi nila na you have to try it. Yung fish and chips kasi British siya, atsaka yung Beef Wellington. Parang embutido siya, karne sa loob tapos tinapay sa labas..."
Maging si Pinky ay tila "naloka" sa naging paglalarawan ng co-anchor sa beef wellington ni Ramsay.
"Ang sosyal-sosyal eh, tapos parang 'Embutido lang 'yon!'"
"Wala karne lang 'yon," segunda pa ni Korina. "Karne na halos hindi niluto, duguan pa, tapos lalagyan mo ng tinapay, tapos hihiwa-hiwain mo, parang embutido!"
"Ang sarap ng pagka-explain mo," natatawang sabi ni Pinky.
Habol pa ni Korina, sa mga nagnanais na makakain nito, kailangan daw mag-ipon nang kaunti dahil medyo may kamahalan ang presyo.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Choose your fighter beef wellington vs. embutido "
"I think more like Morcon or cordon blue but beef "
"that's hilarious how she describes Beef Wellington infairness masarap ang Embutido! "
"masarap pa nga ung embotido, morcon and cordon blue sa beef wellington"
"marami po pilipino ang hnd alam kung ano yun beef wellington kaya sinabi nya na parang embotido. yun shape kasi pareho"
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag dito si Ramsay.