January 26, 2025

Home BALITA National

Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA

Amihan, easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Patuloy pa rin ang pag-iral ng northeast monsoon o amihan at easterlies sa bansa ngayong Sabado, Enero 25, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang magdadala ang easterlies—na tumutukoy sa mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko—ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Caraga, Davao Region, at SOCCSKSARGEN. Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa lugar na ito sa posibleng pagbaha o kaya nama’y pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Inaasahan namang magdadala ang malamig na hanging amihan ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated light rains sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at CALABARZON. Wala namang inaasahang malaking epekto ang mga magiging pag-ulan dito.

Samantala, inaasahan ding magdudulot ang easterlies ng medyo maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng bansa. Posible ang pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

National

Dahil sa Isra Wal Mi’raj: Enero 27, Muslim holiday — Malacañang

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).