February 02, 2025

Home BALITA National

'26 years nang tumataya!' 49-anyos housewife, kumubra ng ₱15.8M premyo sa PCSO

'26 years nang tumataya!' 49-anyos housewife, kumubra ng ₱15.8M premyo sa PCSO
photos courtesy: PCSO/Website

Kinubra na ng isang 49-anyos na housewife mula sa Bacoor City, Cavite ang napanalunang niyang ₱15.8 milyong lotto jackpot prize.

Nanalo ang naturang housewife sa Super Lotto 6/49 na binola ng PCSO noong Disyembre 22, 2024. 

Nahulaan niya ang winning combination na 21-10-13-31-07-18 na may kaakibat na ₱15,840,000.00 premyo. Nabili naman niya ang winning ticket sa Molino 4, Bacoor City. 

Kuwento ng lucky winner, nang kubrahin ang premyo noong Enero 20, 2025, 26 na taon na raw siyang tumataya sa lotto, palagi lang daw siya nananalo sa 2D at 4D lotto games, pero hindi pa raw sa malalaking lotto jackpot kagaya ng napanalunan niya ngayon. 

National

Amihan, easterlies, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA

"Never po akong nanalo ng mga major prizes gaya nito, not even po consolation prizes,” anang lucky winner sa panayam sa PCSO.

"Sobrang saya ko po ngayon at 'di pa rin makapaniwala kaya nagpapasalamat po ako kay Lord at sa PCSO," dagdag pa niya. 

Gagamitin aniya ang napanalunan sa pagnenegosyo at para sa future ng kaniyang mga anak.