Nagsumite na ng counter affidavit sa PNP Civil Security Group ang kampo ng security guard at kaniyang security agency hinggil sa pagkakasangkot niya sa viral video nila ni 'sampaguita girl.'
KAUGNAY NA BALITA: Sekyu ng isang mall, sinibak sa puwesto dahil sa ginawa sa batang sampaguita vendor
Ayon sa ulat ng Super Radyo DZBB 594khz nitong Biyernes, Enero 24, 2025, tanging mga kinatawan lamang ng nasabing security guard at security agency ang nagpasa ng counter affidavit sa kanilang tanggapan nitong Huwebes, Enero 23.
Binigyan na rin daw nila ng "notice to appear" ang estudyanteng sangkot sa nasabing insidente na ngayo'y kilala sa tawag na "sampaguita girl."
Matatandaang guamawa ng ingay sa social media ang viral video ng naturang security guard at sampaguita girl kung saan mapapanood kung paano tila naging bayolente ang sakyu sa pagpapaalis sa estudyanteng nakaupo sa hagdanan sa labas ng SM Megamall na may bitbit na sampaguita.
KAUGNAY NA BALITA: Agency ng viral na sekyu, humingi ng paumanhin sa nangyaring insidente
KAUGNAY NA BALITA: Huli na ang lahat? Pamilya ni 'Sampaguita Girl,' handang patawarin sekyung nasibak sa trabaho
Samantala, maaari din umanong magsimula na ang preliminary evaluation ng naturang inisdente kung sakali mang hindi sumipot si sampaguita girl. Nakahanda raw ang PNP CSG na magbase sa counter affidavit ng security guard at iba pang ebidensyang kanilang nakalap.
Nakatakdang tumagal ang preliminary evaluation ng pitong araw. Kaugnay nito, kasalukuyan pa rin umanong nahaharap sa paglabag sa Republic Act 11917 o paglabag sa conduct decorum ang nasabing sekyu dahil sa paninipa at pagtaboy niya kay sampaguita girl.