Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte bandang ng 8:19 ng gabi nitong Biyernes, Enero 24.
Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Namataan ang epicenter nito 68 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng General Luna, Surigao Del Norte, na may lalim na 11 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.