Inamin ni Kapamilya star Andrea Brillantes na may mga nagpaparamdam daw na manligaw sa kaniya ngayon, kahit noon pang 2024, subalit wala pa raw dito ang atensyon niya.
Sinabi niya ito sa panayam sa kaniya ng ABS-CBN News matapos ang pag-upo niya sa "Star Magic Spotlight" noong Martes, Enero 21.
Nauntag nga si Blythe patungkol sa mga nanliligaw sa kaniya ngayon, lalo na't siya ang top 1 sa "100 Most Beautiful Faces" ng TC Candler noong 2024.
"Meron naman po talaga, pero hindi kasi ako naka-focus do'n lalo na last year. Like, talagang inaamin kong like 'Sorry, pero I don't really date, or like hindi 'yon 'yong hinahanap ko. Meron pong mga nagpaparamdam," aniya pa.
Sa nabanggit na panayam, nagbigay rin ng reaksiyon at komento si Blythe hinggil sa pagiging pinakamaganda nga niya noong 2024.
Sinabi rin niyang bagama't top 1 siya sa may pinakamagagandang mukha sa female celebrities sa mundo, hindi pa rin maiiwasang makaramdam siya ng insecurities.
MAKI-BALITA: Andrea kahit pinakamaganda, insecure pa rin: 'Normal lang ma-insecure!'
MAKI-BALITA: Andrea, grateful na maraming magagandang babae pero siya top 1