January 23, 2025

Home BALITA National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 5.9-magnitude na lindol ang probinsya ng Southern Leyte dakong 7:59 ng umaga nitong Huwebes, Enero 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Namataan ang epicenter nito 7 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Francisco, Southern Leyte, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Intensity V - Padre Burgos, SOUTHERN LEYTE

Intensity IV - Hinunangan and Maasin, SOUTHERN LEYTE

Intensity III - Palo, Dulag, Ormoc City, and Carigara, LEYTE

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.