Sugatan ang isang ama matapos siyang saksakin ng kaniyang sariling anak sa Barangay San Isidro, Antipolo City.
Ayon sa ulat ng isang local news outlet, agad na nadakip ng mga awtoridad ang anak ng biktima na siyang suspek.
Narekober ng mga awtoridad ang kutsilyong ginamit sa pang-atake, malapit sa pinangyarihan ng krimen.
Lumalabas sa imbestigasyon na nagpambuno umano ang mag-ama matapos daw ang pambubugbog umano ng biktima sa suspek. Itinanggi naman ito ng ilang kaanak ng suspek at sinabing nabalingan lang daw ng init ng ulo ng suspek ang kaniyang ama.
“Mayroong kaalitan doon sa lugar ng asawa niya. Mainit ang ulo, sa tatay na yung bunton ng sama ng loob kaya umabot sa ganoon sigurom” anang kaanak ng mag-ama.
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa ospital habang pansamantalang nakadetine ang suspek sa Antipolo City Police Station. Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa insidente.