January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Singaporean actor, nalagasan ng ₱1.5M matapos magantso ng isang Pinay

Singaporean actor, nalagasan ng ₱1.5M matapos magantso ng isang Pinay
Photo Courtesy: Screenshot from Raffy Tulfo in Action (YT)

Dumulog ang batikang Singaporean actor na si Laurence Pang sa programang “Wanted Sa Radyo” ni Senador Raffy Tulfo para ireklamo ang isa umanong Pinoy na nanlansi sa kaniya.

Sa isang episode ng nasabing programa kamakailan, sinabi ni Pang na inalok daw siyang maging reseller sa isang online shopping mall ng Pinay na nakilala niya sa isang dating site noong Disyembre 2024.

“I joined as a reseller that means the company has products for me to put into my shop. They will give me an online shop to put the products there,” paglalahad ni Pang. 

“Whenever there's a customer who buys any products there, I have to fund it first,” pagpapatuloy niya. “Then the customer will take the shipment, I will get 10% of the sale and take back my capital. Before I can take back my commission.. another sale came in, I have to fulfill it again.”

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

Ngunit napagtanto raw kalaunan ng aktor na ang mga umoorder ay mula raw sa mga pekeng customer. At umabot umano sa ₱1.5 milyon ang nawala sa kaniya dahil dito.

Dagdag pa niya, hindi raw niya nakita nang personal ang Pinay na nagngangalang “Mika” ngunit nagkaroon daw siya ng ideya na niloloko raw siya nito ang makitang iba ang hitsura nito sa video call kumpara sa litratong ginagamit nito sa dating site. 

Ayon kay Philippine National Police Anti-Cybercrime Group spokeswoman PLT Wallen Mae Arancillo, na kinonsulta ng programa hinggil sa nasabing kaso, isa umanong “love scam” ang nangyari sa Singaporean actor.

“The usual way of the modus operandi is—this suspect, or cyber criminal, or scammer—they get the sympathy of their victim. And later on, after that, they are encouraging these people to invest in cryptocurrency,” ani Arancillo.

Samantala, hindi pa masabi ni Arancillo kung konektado ba sa Profile of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang nasabing kaso dahil ipinatigil na umano ito ng pangulo noong huling State of the Nation Address (SONA) nito noong Hulyo 22, 2024.

MAKI-BALITA: PBBM, idineklara pag-ban ng lahat ng POGO sa PH

Dagdag pa ni Arancillo, "We are really doing our best with regard to cyber patrolling and online investigation so that we would be able to trace these people behind those POGO or scam hubs."

Sa kasalukuyan, nakikipagtulungan si Pang sa mga awtoridad kaugnay sa kaniyang kaso.