Dead on arrival ang magkasintahan matapos mawalan ng preno at maaksidente ang trak na kanilang sinasakyan sa Ilocos Sur.
Ayon sa ulat ng ilang local media outlets, kinilala ang mga biktima na sina Ibrahim Cardenas, 26 taong gulang at Fatima Clair Pis-oy, 25 anyos. Ngayong 2025 na raw dapat ikakasal ang magkasintahan ngunit nawalan ng kontrol sa manibela ang lalaking biktima at saka bumangga sa kilid ng kalsada ang trak bago tumaob.
Nagtamo umano ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang magkasintahan na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.
Samantala, napag-alamang marami na raw naaksidente sa naturang bahagi ng kalsada dahil sa pagiging accident prone umano nito.