March 08, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis
Photo courtesy: GMA Network (IG)

Muling magbabalik-teleserye si Ultimate Star Jennylyn Mercado matapos ang pagre-renew ng kontrata sa GMA Network, na naging tahanan niya sa loob ng lagpas-dalawang dekada.

Sa pagpirma nga niya ay inianunsyo na rin ang pagbabalik-teleserye niya kasama pa ang mister na si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

May pamagat itong "Sanggang-Dikit" na isang action-drama series, kaya siguradong mapapanood ang new era ni Jen bilang isang action star.

Ilan pa sa mga makakasama nila ay sina Seb Pajarillo, Zoren Legaspi, Marina Benipayo, Al Tantay, Nova Villa, Joross Gamboa, Roi Vinzon, Allen Dizon, Sam Pinto, at Matthew Uy.

Bukod sa pagbabalik-serye ay nagbalik-pelikula na rin si Jen kasama si Dennis at Kapamilya star Sam Milby, na may pamagat na "Everything About My Wife" na isang rom-com.

Teleserye

Na-miss mo ba sina B1 at B2? 'Bananas in Pyjamas,' magbabalik na!

Pinagtaasan pa nga ng kilay ng ilang netizens ang titulong "RomCom Queen" sa kaniya ng GMA, dahil apela ng ilang fans, mas bagay raw ito kina Toni Gonzaga at Sarah Geronimo.