January 22, 2025

Home BALITA National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Naging dahilan daw ng bahagyang bagal ng daloy ng trapiko ang dalawang kabaong na naispatang nakaharang sa North Luzon Expressway (NLEX) viaduct dakong 7:00 ng gabi nitong Martes, Enero 21.

Sa panayam ng ABS-CBN News sa video uploader na si Noel Luartes, nakita nila ang pagbagsak ng mga kabaong mula sa isang nagdaang van nang pauwi na sila sa Pulilan, Bulacan.

Batay naman sa imbestigasyon, bagong likha raw ang mga kabaong na idedeliver sa Marikina nang mahulog daw ito mula sa pagkakatali habang bumabaybay sa NLEX ang van na may dala-dala nito.

Naalis naman daw agad ang dalawang kabaong na walang laman upang hindi na magdulot ng trapiko at aberya sa mga motorista. Wala namang napaulat na nasaktan o aksidente dahil sa nangyari.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?