Game na game na nag-flex ng kaniyang luxury car si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa kaniyang bakasyon nila ng jowang si Chloe San Jose.
Sa kaniyang social media account, ibinahagi ni Caloy ang isang video kung saan makikita ang pag-arangkada ng kaniyang luxury car na nakipagsabayan pang tumawid sa ilog.
Saad ni Caloy sa caption, “Wheels on the trail, soul on the path — every view is a blessing. Thank you Lord God.”
Matatandaang noong Seytembre 2024 nang mapasakamay ni Caloy ang nasabing luxury car na iniregalo sa kaniya ng isang kilalang brand ng sasakyan matapos ang kaniyang matagumpay na Olympic stint.
KAUGNAY NA BALITA: ₱5M-worth na SUV ni Caloy, naibigay na ng Toyota
Agad namang pinusuan ng netizens ang nasabing post ni Caloy na sinabing “dasurv,” umani ito ng Olympic champ.
“Well deserved!”
“Good Carlos! Enjoy your katas ng tagumpay sa bansa.”
“Enjoy all your blessings, you deserve it.”
“Cool, hardwork paid off,”
“Fulfill your life with joy and amazing experiences.”
“That’s a good routine bago balik training.”