Masayang ibinahagi ng Nigerian content creator at paminsang naging parte ng "Eat Bulaga" sa TV5 na si Daniel Oluwadamilola Oke o "Tugue Zombie" na siyam na taon na siyang naninirahan sa Pilipinas noong Enero 19, 2025.
Mababasa sa kaniyang caption sa Facebook post, "Today’s marks my 9 years of staying in the Philippines ! Pinoy na ako! ."
Kalakip ng kaniyang post ang larawan ng kaniyang pagpupugay sa bandila ng Pilipinas, habang nakalapat ang kaniyang kanang kamay sa kaliwang dibdib, sa bandang puso, sa tuwing inaawit ang "Lupang Hinirang," ang pambansang awit ng Pilipinas.
Marami naman sa mga netizen ang nagpaabot ng pagbati kay Tugue, na sa kabila raw ng pagiging dayuhan niya ay may pusong Pinoy naman.