Inilabas na ng "VinCentiments" ang trailer ng kontrobersiyal na pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma," bago magtanghali ng Martes, Enero 21.
Mababasa sa Facebook post sa opisyal na page ng VinCentiments, "THE TRAILER OF THE TRUTH para sa ika-40 anibersayo ng kamatayan ni #PEPSIPALOMA."
"Abangan ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA #TROPP #TROPP2025."
Mapapanood daw sa mga sinehan ang pelikula sa Pebrero 5, 2025.
Nireshare naman ng direktor nitong si Darryl Yap ang trailer.
Batay naman sa comment section, marami na ang excited sa nabanggit na pelikula, lalo na nang makita nila ang pagganap ng mahusay na aktor na si Mon Confiado, bilang dating talent manager ni Pepsi, na si Dr. Rey Dela Cruz.
Ang gaganap namang Pepsi Paloma ay si dating award-winning child star Rhed Bustamante na mas lalong inaabangan ang pagsasabuhay sa karakter ng dating sexy star.
BASAHIN: Sino si Rhed Bustamante, ang gaganap na 'Pepsi Paloma' sa pelikula ni Darryl Yap?