Papalitan na raw ng aktor at komedyanteng si Randy Santiago si TV host Willie Revillame sa programa nitong “Wil To Win” ayon kay showbiz columnist Cristy Fermin.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Enero 21, sinabi ni Cristy na magsisimula na raw kasi ang kampanyahan sa Pebrero kaya pansamantala munang papasok si Randy sa eksena.
Hindi naman naiwasang bumilib ng co-host ni Cristy na si Romel Chika sa pagkakaibigan ng dalawa. Ayon sa kaniya, “In fairness, ha. Napakatagal nilang magkaibigan!”
“Dati siyang hawi boy ni Randy. Sinuwerte, nagtagumpay, magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon. ‘Yon ‘yon,” segunda naman ng showbiz columnist.
Matatandaang isa si Willie sa mga naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagkasenador noong Oktubre 2024 sa The Manila Hotel Tent City.
MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador