Usap-usapan ang rebelasyon ni Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Enero 21, patungkol sa isang "mistress."
Mababasa sa post, "Hahaha ang Balita nga naman kahit akoy nana himik bongga!! Take note si mistress ay PILIPINA "
Sa sumunod na mga detalye ng post, nagbigay siya ng ilang mga petsa noong 2024 kung saan natuklasan niya ang lihim ng tinawag niyang "Cheater."
"MARCH 2024 .... Gerrys Grill si mistress naka hilig pa yung ulo sa balikat ni Cheater ( wow sweet )"
"JUNE 2024 ... malapit sa jollibee ( malapit sa fremont yesss iba din malapit pa bahay namin ahhhh) holding hands si cheater and si mistress ( wow sweet ulit)."
"Lalakas ng loob ahhh puro filipino establishments at california IDOL!!! GOAT!( greatest of all time )."
Wala namang binanggit si Ai Ai sa kaniyang post kung sino ang tinutukoy niyang "Cheater" na natuklasan niyang isang Pilipina rin ang mistress.
Makahulugan naman ang kalakip na quote card sa post.
Mababasa, "NO WOMAN COULD LOVE A CHEATER AND NOT PAY THE PRICE OF IT."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Hayaan mo na Sila miss Ai. Mabuti na Rin habang maaga pa Malaman mo na kesa kung kailan ugod ugod kna. Saka ka iwanan. Enjoy mo nlng po life. Mahaba pa Buhay natin."
"If I were you, bawiin mo ang Green Card ni cheater."
"Kasuhan mo yan Ms. AiAi Delas Alas hindi naman masama yan gagawin mo bigyan mo ng leksyon at icancel mo na greencard nya, alam naman ni Lord mabait ka sa ex hubby mo kaya deserve mo ang justice..fight!"
"Bawiin mo na lahat . Ginawa ka nilang tanga ms Ai."
"minsan ndi kailangan na manahimik kana lang lumaban ka ndi na uso ung mananahimik kana lang kaya inaabuso kasi palaging ganun ..basta nasa tama ka go laban"
"Tanggalan mo ng green card yan. Tapos ang maliligayang araw ng mga yan."
Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagkumpirma ni Ai Ai na hiwalay na sila ng kaniyang mister na si Gerald Sibayan, sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda."
MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, kinumpirma hiwalayan nila ni Gerald Sibayan