January 22, 2025

Home SHOWBIZ

Jennylyn sa pagpirma ng kontrata sa GMA: 'Wala naman akong ibang pupuntahan'

Jennylyn sa pagpirma ng kontrata sa GMA: 'Wala naman akong ibang pupuntahan'
Photo Courtesy: GMA Network (FB)

Nagbigay ng pahayag si Ultimate Star Jennylyn Mercado matapos niyang muling pumirma ng kontrata sa GMA Network nitong Martes, Enero 21.

MAKI-BALITA: Jennylyn, loyal Kapuso pa rin; nag-renew ng kontrata sa GMA

Sa ginanap na contract signing ceremony, sinabi ni Jennylyn ang dahilan kung bakit bahagyang natagalan bago siya nakapag-renew ng kontrata.

“Alam ko po medyo natagalan dahil…may mga pinrioritize pa ako. Maraming speculations, maraming mga nagalit, maraming haka-haka, may mga natuwa, may mga nainis, may mga bashers ako,” saad ng aktres.

Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

“Pero wala naman akong ibang pupuntahan,” pagpapatuloy niya. “‘Yong destination ko palaging clear, palaging sa GMA. So I can say that I am home.”

Dagdag pa ni Jennylyn, parang hindi nga raw yata tamang sabihin ang “I am home” dahil hindi naman daw talaga siya umalis.

Aniya, “Kumbaga, para lang akong nagbakasyon o nag-grocery lang. Parang gano'n lang.”

Matatandaang napabalita noong Hulyo 2024 ang tungkol sa umano’y paglayas ni Jennylyn sa kaniyang home network na kalaunan ay pinabulaanan ng talent manager niyang si Becky Aguila.

MAKI-BALITA: Manager, nagsalita sa isyu ng network transfer ni Jennylyn Mercado