Diwata umawra sa Bora, trip itapon sa laot at ipakain sa pating ng bangkero
Agaw-eksena ang pamlalamyerda ng social media personality at paresan owner na si Deo Balbuena alyas "Diwata" sa Boracay kamakailan.
Aliw naman ang mga netizen sa isang eksena ng kaniyang vlog kung saan nakasakay siya sa isang crystal kayak na sinasagwan naman ng isang bangkerong nagsisilbing tour guide na rin.
Habang ineenjoy ang pagsakay sa kayak ay tsinika-tsika ni Diwata ang bangkero.
"Kuya, baka kung saan mo 'ko dalhin ha..."
"Halimbawa kuya malasing ako, saan mo ako dadalhin?" pabirong tanong ni Diwata.
"Sa laot..." sagot ng bangkero.
"Anong gagawin mo sa akin sa laot? OMG?" segundang tanong ni Diwata na tila medyo kinikilig.
Sagot ng bangkero, "Itatapon, ipapakain sa pating, haha, joke lang."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Baka ayawan din ng pating hahahaha."
"dalian mo na kuya hahaha"
"kami na bahala sa pampiyansa mo kuya hahaha pag-aambagan namin"
"Wag Kang mag alala kuya dika namin ituturo na Ikaw last kasama nya."
"Mag padala po ako sa sahod pang ambag sa pyansa"
Mukhang hindi naman napikon dito si Diwata; sa katunayan, shinare pa nga ang ilan sa memes na nagkalat online at kinomentuhan.
"GRABE KA KUYA," aniya sa kaniyang Facebook account.