January 22, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

Ruru excited, masaya sa ikatlong pagtatapat nila ni Coco

Ruru excited, masaya sa ikatlong pagtatapat nila ni Coco
Photo Courtesy: GMA Public Affairs (IG), Dreamscape Entertainment (FB)

Ibinahagi ni Kapuso star Ruru Madrid ang nararamdaman niya ngayong magkakatapat ulit sa time slot ang action series nila ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Lunes, Enero 20, sinabi ni Ruru na masaya raw siya at excited dahil makakapagbigay na naman sila ng saya.

"Masaya at excited ako sa aming pangatlong pagtatapat kasi nabibigyan namin pareho ng kasiyahan ang mga manonood sa pamamagitan ng aming palabas," saad ni Ruru.

Dagdag pa ng aktor, “Ito ang layunin namin bilang artista at sa production, na makapaghandog kami ng mga shows na maaring kapulutan ng aral, makapagbigay ng aliw, at maipagmalaki natin ang sariling atin.”

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

Kaya sa huli, mga Pilipino pa rin daw ang wagi sa ganitong salpukan ng mga palabas.

Magsisimula nang mapanood ang season 2 ng “Lolong” ngayong Lunes, Enero 20.

Matatandaang nauna nang nakatapat ng season 1 ng “Lolong” ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco noong 2022. 

MAKI-BALITA: #LolongDaks, sinakmal nga ba si Cardo Dalisay? Ruru, napa-react

Samantala, noong sumunod na taon ay muli silang nagharap nang bumida si Ruru sa “Black Rider” at si Coco naman ay sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

MAKI-BALITA: Black Rider mag-world premiere na, mapataob kaya Batang Quiapo?