Kinilala ang husay ng mga Kapamilya actress na sina Maris Racal at Kaila Estrada sa pagganap nila sa mga seryeng "Can' Buy Me Love" at "Linlang," sa naganap na 2024 Tag Victorious Awards sa Chicago, US.
Makikita sa Facebook page ng isa sa production units ng ABS-CBN, ang Star Creatives, ang kanilang congratulatory posts para kina Maris at Kaila, na parehong cast members ng action series na "Incognito."
Parehong "Best Supporting Actress" ang dalawa sa kani-kanilang pagganap; si Maris bilang si "Irene Tiu" sa CBML habang si Kaila naman ay bilang si "Sylvia" sa Linlang.
Si Kaila, ay naging bahagi rin ng CBML.
Isa ito sa magandang bagay na nangyari sa "comeback" ni Maris matapos malagay ang pangalan sa kontrobersiya kaugnay ng screenshots na isiniwalat ni Jam Villanueva, ex-girlfriend ng kaniyang reel partner na si Anthony Jennings, patungkol umano sa palitan nila ng sweet at intimate messages habang magkarelasyon pa sila ng aktor.