Naghayag ng paghanga ang batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin kay “Eat Bulaga” host Vic Sotto sa kabila ng kinakaharap nitong isyu.
Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Linggo, Enero 19, sinabi niya ang dahilan kung bakit sumasaludo siya sa nasabing TV host.
Ayon sa kaniya, “Saludo ako kay Bossing Vic Sotto. Napakapositibo ng pananaw niya sa mundo.”
“Saka maganda ‘yong sinabi niya na ‘Humility is the best policy.’ [...] Napaka-positive talaga. Kaya naman, ‘di naman niya sinasagot ‘yong mga tanong na direktang makakapanakit no’ng kaniyang idinemanda ” dugtong pa ni Cristy.
Matatandaang kamakailan lang ay nausisa si Vic sa isang panayam tungkol sa pagiging tila unfazed niya sa gitna ng pinagdadaanan.
"I have a clean conscience, malinis ang pakiramdam ko, wala namang dapat ika-worry. Ma-stress ka lang 'pag inisip mo, e," sagot niya.
Ito ay matapos niyang maghain ng 19 counts of cyber libel case laban sa direktor na si Darryl Yap kaugnay sa teaser ng pelikulang "The Rapists of Pepsi Paloma" kung saan nadawit ang pangalan niya.
MAKI-BALITA: Vic Sotto kaugnay sa kaso kontra Darryl Yap: 'I have a clean conscience!'