Tinambangan umano ng hinihinalang gunmen ang 46 taong gulang na biktima sa Midsayap, North Cotabato.
Ayon sa mga ulat, ang biktima ay kinilalang si Jerry Beltran Dopredo na tumatakbong konsehal ng bayan sa Northern Kabuntalan, Maguindanao del Norte, na dead on the spot matapos barilin sa ulo.
Batay umano sa salaysay ng mga saksi, dalawang gunmen na sakay raw ng motorsiklo ang tumambang kay Dopredo at saka ito pinaputukan. Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang krimen.
Malakas umano ang kutob ng kaanak ng biktima na may kinalaman sa politika ang nangyaring pagpatay kay Dopredo.
Samantala, ipinag-utos na ni Regional Police Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz ang agarang operasyon ng Maguindanao del Norte Police Office upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.