Inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang nasagap niyang tsika tungkol sa ex-celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” noong Sabado, Enero 18, sinabi ni Cristy na hindi pa kalat at mangilan-ngilan pa lang daw ang nakakaalam sa umano’y pagpunta ni Daniel sa bahay ni Kathryn kamakailan.
“Ilang gabi na raw po nitong nakaraang linggo na nakikita ang sasakyan ni Daniel Padilla na paikot-ikot sa subdivision kung saan nakatira ang mga Bernardo…sina Kathryn,” saad ni Cristy.
Dagdag pa ng showbiz columnist, “Ang balita pa, humahanap talaga ng tao na makakapagtulay para sa kanila ni Kathryn.”
Pero sa kabila nito, hindi pa naman nagsasalita ang ex-celebrity couple tungkol dito. Kaya sabi nga ni Cristy, pwede naman daw itanggi, kumpirmahin, o dedmahin na lang nina Daniel at Kathryn ang nasabing tsika.
Matatandaang hindi ito ang unang beses na lumutang ang espekulasyong sinusuyo ni Daniel sa Kathryn matapos ang kanilang hiwalayan. Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Disyembre 2024 ay pinag-usapan ang tungkol sa kumalat na video clip ng paghalik ni Daniel sa noo ni Kathryn.
MAKI-BALITA: 'May dalang flowers!' Daniel, pinasok si Kathryn sa dressing room?
MAKI-BALITA: Matapos bigyan ng bulaklak: Daniel hinalikan sa bumbunan si Kathryn?