"Oo" agad ang sagot ng content creator na si Donnalyn Bartolome sa tanong na "Nagsasarili ka po ba?" na bahagi ng kaniyang latest content, na pagsagot sa tanong sa kaniya ng netizens.
Paliwanag pa ni Donnalyn, 17-anyos pa lamang siya nang magpaalam pa raw siya sa Mommy niya para "magsarili."
"Oo, I remember when I was 17 noong nagpaalam ako kina Mommy for me to move here," paliwanag naman ni Donnalyn.
Batay sa sagot niya, mukhang clueless siya at ang intindi ni Donnalyn sa salitang "nagsasarili" ay maging independent woman at manirahan nang mag-isa sa sariling unit niya, nakakaloka!
Mabuti na lang at itinuwid siya ng kausap niya sa "behind-the-scene" at ikinorek nitong iba ang ibig sabihin ng "nagsasarili."
Kaya naman naloka na lamang si Donnalyn at napatakip ng mukha nang sabihin na sa kaniya ang ibig sabihin ng salita.
Dito ay biniro siya ng mga kausap tungkol sa paggamit at pag-intindi niya sa mga salitang Tagalog, gaya ng "balisa" na ang alam daw niya ay pakiramdam na "ihi nang ihi" o nababalisawsaw.
"Parang pareho lang 'yon eh!" natatawang sabi pa ni Donnalyn.
Ibinahagi naman ni Donnalyn sa kaniyang Facebook account ang video clip na ito.
"Nagsarili sa English kasi diba 'went on on my own'???!" caption niya.