Dead on the spot ang mag-asawa habang himala naman umanong nakaligtas ang kanilang anak, matapos silang tambangan sa sa Barangay Baguadatu, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.
Ayon inisyal na mga ulat ng Maguindanao del Sur Provincial Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, armadong kalalakihan ang umano’y tumambang sa mag-asawa. Kinilala ang mga biktima na mag-asawang sina Deru Dimaguil at Suraida Barhama, kasama ang kanilang walong taong gulang na anak.
Sa panayam ng media kay Police Brig. General Romeo Juan Macapaz, agad umanong tumakas ang mga suspek sa crime scene nang masigurong naitumba na nila ang mag-asawang bitima.
Inaalam pa umano ng mga awtoridad ang kaugnayan ng biktimang lalaki na si Dumaguil kung may kinalaman ang kaugnayan nito sa Council of Elders sa motibo sa pagpapatumba raw sa kanilang pamilya.