Sinariwa ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista ang mga panahong tinotodo niya ang pagtatrabaho para mabili ang mga gusto niyang gamit.
Sa latest episode ng “Heart World” noong Sabado, Enero 18, sinabi ni Heart minsan na raw siyang hinimatay sa isang Fashion Week na dinaluhan niya.
Ayon sa kaniya, "Hinimatay na 'ko sa Fashion Week kasi alam ko na nagsa-suffer na 'yong health ko over and beyond just to get the bag, just to get the jacket.”
“These ridiculous things na ginagamit ko naman sa trabaho ko but I will not use that anymore to justify," dugtong pa ni Heart.
Kaya sa halip na New Year’s Resolution, nangako na lang siya sa sarili na pagtuntong niya ng 40-anyos sa Pebrero ay maghihigpit na siya ng sinturon.
“I know how it feels na magtrabaho, kumayod talaga dahil gusto ko nito kasi I'm lucky, privileged ako na 'di naman ako naging breadwinner in a sense sa pamilya ko,” saad ni Heart.
“Pero, ibig sabihin, lahat ng mayroon ako, lahat ng suot ko, pinagtrabahuhan ko, as in talagang pinagpuyatan ko, talagang pinilit ko 'yan para mabili lahat ng meron ako," wika pa niya.
Pero ngayon daw na tumatanda na siya, nakakaramdam na raw siya ng pagod.
Aniya, “Iba na talaga 'yong dating sa 'kin, kahit Fashion Week."
Kaya naman giit ng Kapuso star, “I will review talaga, hihigpitan ko 'yong belt ko kapag gumagastos ako."