January 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Factory worker na nakaupo lang sa riles ng tren, patay matapos pagbabarilin!

Factory worker na nakaupo lang sa riles ng tren, patay matapos pagbabarilin!
(MB file photo)

Isang 35-anyos na factory worker ang nasawi matapos umano siyang pagbabarilin habang nakaupo lamang sa isang riles ng tren sa Candelaria, Quezon.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, kinilala ang biktima bilang si Jeric mula sa Barangay San Andres.

Lumabas umano sa imbestigasyon ng pulisya na nakaupo sa riles si Jeric noong Sabado ng gabi, Enero 18, nang biglang lumitaw ang isang lalaki at binaril siya gamit ang .45 kalibre ng pistol.

Nagtamo umano ng maraming tama ng bala ang biktima, dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Probinsya

Mag-asawang sakay ng motorsiklo, patay sa ambush; anak himalang nakaligtas

Agad naman umanong tumakas ang suspek na natukoy sa pangalang Bryle.

Dagdag ng ulat, narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang limang cartridge cases para sa caliber .45.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyari at tinutunton ang suspek.