January 22, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Rufa Mae Quinto, nagsalita na sa relasyon nila ng non-showbiz husband

Rufa Mae Quinto, nagsalita na sa relasyon nila ng non-showbiz husband
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Integrated News (YT), Alexandria Magallanes (IG)

Nagbigay ng ilang detalye ang Kapuso comedy actress na si Rufa Mae Quinto hinggil sa kasalukuyang estado ng relasyon nila ng non-showbiz husband niyang si Trevor Magallanes.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, Enero 17, itinanggi ni Rufa na pinoproseso na raw nila ni Trevor ang kanilang divorce.

“We’re going through something. Tinatanggap ko. Kasi kung ayaw na rin naman niya, bakit ko hindi rerespetuhin ‘yon?” saad ni Rufa.

Pero dagdag ng komedyante, “‘Yong legalities, ‘yong mga file-file, walang file ng divorce. Hindi ako magpa-file kasi ang dami ko nang file sa kaso.”

Relasyon at Hiwalayan

May nabalitaan kay 'Cheater,' pasabog ni Ai Ai: 'Take note si mistress ay Pilipina!'

Sa kabila nito, inamin ni Rufa na mahal pa rin daw niya ang mister dahil gusto raw niya na makompleto ang pamilya nila.

Matatandaang nauna nang inanunsiyo ni Trevor sa pamamagitan ng Instagram story na gumugulong na raw ang proseso ng divorce nila ni Rufa.

MAKI-BALITA: Mister ni Rufa Mae Quinto, inaasikaso na ang kanilang divorce

Sa kasalukuyan, hinaharap ni Rufa ang kasong isinampa sa kaniya dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 of the Securities Regulations Code.

MAKI-BALITA: Rufa Mae sa kaso niya: 'Biktima rin ako... Go, go, go, basta hinaharap!'