January 18, 2025

Home BALITA Probinsya

Retiradong pulis, nang-harass umano ng menor de edad na nakaalitan ng anak sa eskuwelahan

Retiradong pulis, nang-harass umano ng menor de edad na nakaalitan ng anak sa eskuwelahan
Photo courtesy: Pexels

Takot ang inabot ng isang menor de edad sa Tarlac matapos umano siyang ma-harass ng isang retiradong pulis kasama ang anak nitong nakaalitan niya sa kanilang eskwelahan. 

Ayon sa ulat ng Frontline Pilipinas noong Biyernes, Enero 17, 2025, nakuhanan ng CCTV ang insidente kung saan makikita ang pagdating ng nasabing retiradong pulis at kaniyang anak sakay ng motorsiklo at saka sinaktan ang biktima kasama ang iba pang kaklase nito.

Humandusay ang biktima matapos umano siyang suntukin sa tagiliran. Nahagip din ng CCTV kung paano binuweltahan ng nasabing retiradong pulis ang mga kasama ng biktima upang pagbantaan daw ang mga ito na huwag magsumbong. 

Sa panayam ng media sa biktima, nagkainitan sila ng anak ng suspek matapos silang magkabunguan sa isang CR sa kanilang paaralan.

Probinsya

Ex-convict ng ilegal na droga, namaril sa Cebu; 3 patay, 1 sugatan!

“Nagkasagian (kami) sa (comfort room) ng school. May nakabangga sa akin. Tinanong ko kung ano problema niya. Sabi niya sa akin, ‘Sino nauna?’ Pagkatapos, bumalik kami sa room namin. Nakita ko siya na sobrang nakatitig sa amin. Uminit yung ulo ko, sabi ko, ‘Mamaya ka lang,’” saad ng biktima. 

Samantala, kinumpirma naman ng kanilang paaralan na lumipat na umano ang anak ng suspek matapos mangyari ang nasabing insidente. Giit nito, wala umanong lugar ang dahas sa kanilang institusyon. 

“Nais naming ipaalam ang hangarin ng aming paaralan na patuloy na proteksyunan ang kapakanan ng aming mag-aaral, anuman ang katayuan sa buhay,” anang school official. 

Kumbinsido naman ang biktima na magsampa ng reklamo laban sa mag-amang suspek. 

Inirerekomendang balita