Itinanghal bilang grand champion si Carmelle Collado na pambato ng Camarines Sur sa Tawag Ng Tanghalan: The School Showdown.
Sa latest episode ng “It’s Showtime” nitong Sabado, Enero 18, ipinamalas ni Carmelle ang husay niya sa pagkanta nang awitin niya sa huling yugto ng kompetisyon ang “A Natural Woman” ni Aretha Franklin.
Nakuha ni Carmelle mula sa mga hurado ang gradong 98 na pinakamataas sa lahat. Kaya naman, makapag-uuwi siya ng tumataginting na ₱1M.
Bukod dito, makakatanggap din ang paaralang pinapasukan ni Carmelle ng ₱100,000.
Samantala, naiposisyon naman ni Isay Olarte ng City College of Calapan sa ikalawang pwesto ang sarili at ikatlong pwesto naman ang nakuha ni Arvery Lagoring ng Claret School of Lamitan