Nausisa si “Widow’s War” star Carla Abellana tungkol sa posibilidad na muling umibig matapos ang divorce nila ng dating asawang si Kapuso actor Tom Rodriguez.
MAKI-BALITA: Carla Abellana, Tom Rodriguez divorced na!
Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi niyang naniniwala raw siyang posible raw na mahulog ulit ang puso niya sa isang tao.
“Anything is possible. But like I said po kanina po e mas magsu-surrender po kay God, mas magtitiwala po ako kay God this year,” saad ni Carla.
Dagdag pa niya, “Let se what He has in store for me. Ayaw ko naman pong i-block po ‘yon. Ayaw ko pong iwasan or ayaw kong magdesisyon na ‘ayaw ko.’ Kailangan mas maging open po ako and ready for anything.”
Kaya giit ng aktres, ‘Possible, definitely.’
Sa kasalukuyan, wala raw nanliligaw kay Carla bagama’t inamin naman niyang may mga nagparamdam noon.
Samantala, si Tom naman ay umamin sa isang panayam noong Nobyembre 2024 na isa na raw siyang ganap na ama.
MAKI-BALITA: Tom Rodriguez umaming tatay na!