January 18, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Birthday wish ng dating business partner ni Ken Chan: 'Sana lumabas ka na!'

Birthday wish ng dating business partner ni Ken Chan: 'Sana lumabas ka na!'
Photo courtesy: Screenshot from Mark Wei (IG)

Usap-usapan ang birthday wish ng negosyante, TV host, at model na si Mark Wei para sa kaniyang dating business partner na si Kapuso actor Ken Chan, na kasalukuyang hindi pa rin mahagilap sa kabila ng kasong kailangang harapin kaugnay ng kaniyang negosyo. Inireklamo si Ken ng investors ng kaniyang itinayong Christmas-themed restaurant, na kalaunan ay nalugi.

Sa kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Mark ang larawan nila ni Ken at isa pang lalaki.

Bumati muna siya ng "Happy Birthday" kay Ken bago niya sinabing wish niyang lumabas na ito at sabihin ang totoo kaugnay sa kinahaharap na kasong "syndicated estafa."

"Ang wish ko for your birthday, ay sana lumabas ka na at sabihin mo na ang totoo para sa peace of mind ng lahat. Para matapos na 'to," aniya.

Tsika at Intriga

Fiancée ng ex-jowa ni Karla Estrada, may cryptic post tungkol sa kaniya?

"You can run for now, but you can't hide forever," giit pa niya.

Ilang buwan na ring nabalita si Ken noong 2024 patungkol sa isinampang warrant of arrest laban sa kaniya subalit hindi raw siya mahagilap sa kaniyang tahanan sa Pilipinas, dahil nasa ibang bansa siya, at pinaparatangang "nagtatago."

Nagsalita na si Ken sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post noong Nobyembre 14, 2024.

Dito ay matapang niyang inaming nalugi ang kaniyang negosyo at tahimik niyang inihahanda ang sarili sa legal na laban. May mensahe naman siya sa brands, fans, at mga taong naniniwala sa kaniya na patuloy na nagpaparamdam ng suporta at pagmamahal para sa kaniya.

MAKI-BALITA: Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya