January 18, 2025

Home BALITA Probinsya

72 anyos na lola, patay matapos saksakin sa bibig ng umano'y kinakasamang 33 anyos na lalaki

72 anyos na lola, patay matapos saksakin sa bibig ng umano'y kinakasamang 33 anyos na lalaki
Photo courtesy: Pexels

Patay ang isang 72 taong gulang na lola sa Barangay Panakol, Aguilar, Pangasinan, matapos siyang pagsasaksakin ng umano’y kaniyang 33 taong gulang na live-in partner.

Ayon sa mga ulat, may ilang kapitbahay daw ng biktima ang nakarinig ng pagtatalo nila ng suspek, ilang minuto bago mangyari ang nasabing krimen. Nagtamo ng mga saksak sa bibig at tagiliran ang biktima, habang agad naman tumakas umano sa crime scene ang suspek.

Lumalabas sa imbestigasyon na selos at utang umano ang pinag-ugatan ng naturang krimen. Tinatayang may ₱13,000 na utang daw ang suspek sa matanda, na siyang sinisingil nito na nauwi sa pagtatalo ng dalawa. 

Sa panayam ng media kay PMAJ. Mark Ryan Taminaya, lasing umano ang suspek nang mangyari ang krimen.

Probinsya

Retiradong pulis, nang-harass umano ng menor de edad na nakaalitan ng anak sa eskuwelahan

"They are living in one roof. So lasing itong suspek at ito namang victim ay parang kinukuha niya yung napahiram niya sa kaniya, sa suspek na ₱13K,” ani Taminaya. 

Tuluyang nasakote ng pulisya ang suspek sa ikinasa nilang hot pursuit operation.

"Bago ko siya saksakin, sinabi ko sa kaniya na 'di ko na kaya. 'Di ko na masikmura yung mga pinagsasabi mo sa akin kako. Kasi hindi niya tanggap na nanliligaw ako sa kabila,” saad ng suspek.

Samantala, desidido raw ang pamilya ng biktima na tuluyang sampahan ng reklamong murder ang naturang suspek. 

Inirerekomendang balita