Niyanig ng 4.0-magnitude na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Huwebes ng hapon, Enero 16, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 2:14 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 21 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 13 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.