Isang pasabog na comeback para sa kaniyang fands ang inanunsyo ni Kapamilya actress Maris Racal sa kaniyang social media accounts nitong Huwebes, Enero 16, 2025.
Matapos kasi ang kinasangkutang cheating isyu noong Disyembre 2024, muli raw nagbabalik ang aktres bitbit ang kaniyang bagong kanta na may pamagat na “Perpektong Tao.”
“Writing this song healed me in ways I never thought possible,” ani Maris sa kaniyang socmed accounts.
Saad pa ni Maris, hango raw sa iba’t ibang emosyon ang naturang kanta na aniya’y handog niya rin daw para sa mga taong may madilim ding pinagdadaanan sa buhay.
“It was born from a journey through pain, regret, and the courage to seek forgiveness, a reminder that even in our darkest moments, we can find light. I’m sharing this with the world, hoping it resonates with those who need it most,” anang Kapamilya actress.
Matatandaang nakaladkad ang pangalan ni Maris sa isyu ng hiwalay ng kaniyang onscreen partner na si Kapamilya actor Anthony Jennings at ex-girlfriend nitong si Jam Villanueva matapos ang kumalat noong screenshots sa pagitan ng aktress at nasabing aktor.
KAUGNAY NA BALITA: 'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings
Sa inilabas na pahayag noon ni Maris, inamin niya sa publiko na hindi na umano niya alam ang totoong estado ng relasyon noon ni Anthony at Jam at iginiit na tila biktima lamang din siya ng pagmamahal.
KAUGNAY NA BALITA: Maris, nahulog ang loob; 'di alam na may jowa pa si Anthony