January 16, 2025

Home BALITA Metro

75-anyos na lolo, hinataw ng bakal na tubo ng kapitbahay

75-anyos na lolo, hinataw ng bakal na tubo ng kapitbahay
File Photo

Patay ang isang 75-anyos na lolo nang hatawin ng bakal na tubo sa ulo ng kapitbahay na matagal na nitong kaalitan sa Taytay, Rizal nitong Miyerkules, Enero 15.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Domingo Canape, 75, retiradong rider lineman ng Meralco, at residente ng Hebrew St., Brgy. Sta Ana, sa Taytay. Ang suspek naman ay kinilalang si alyas Romy,' 50, basurero, at kapitbahay ng biktima.

Lumilitaw sa inisyal na ulat ng Cainta Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa harapan ng bahay ng biktima.

Batay sa salaysay sa pulisya ng saksi sa krimen, nasa labas ng bahay ang biktima nang bigla na lamang daw lapitan ng suspek, at walang sabi-sabing hinataw ng dalang bakal na tubo sa noo.

Metro

500 pamilya apektado ng sunog sa Sampaloc; evacuation center, nahagip din ng apoy

Sa tindi nang pagkakahataw, kaagad na bumagsak ang biktima at binawian ng buhay.

Mabilis namang tumakas ang suspek ngunit nadakip din ng mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation.

Ayon sa pulisya, dati nang may alitan ang biktima at suspek, na nag-ugat umano nang komprontahin ng biktima ang suspek dahil sa mga basurang itinatambak nito sa harapan ng kanilang bahay, kabilang na ang patay na hayop.

Dati na rin umanong sinugod ng suspek ang biktima sa bahay nito at pinalalabas ngunit hindi na lamang niya ito pinansin.