Ginahasa umano ang anim na taong gulang na batang babae ng dalawa niyang kalaro na may edad 8 at 10 sa Mabalacat City, Pampanga, Miyerkules, Enero 15.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, ayon sa ulat ng GMA Regional TV, na naglalaro ang biktima kasama ang nakababatang kapatid sa isang bahagi ng basetball court nang hilahin umano siya sa damuhan ng dalawang batang lalaki na may edad walo at 10, at doon na umano pinagsamantalahan.
"Yung 10 years old, allegedly hinila niya yung biktima na six years old doon sa grass portion ng barangay, and then doon na nga po ay allegedly ni-rape yung bata,” saad ni Police Colonel Jay Dimaandal, Provincial Director ng Pampanga Police Provincial Office (PPO).
Dagdag pa ng ulat, nagsumbong ang biktima sa kaniyang ina at dumulog sa mga awtoridad.
Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Gayunman, wala pang pahayag ang mga magulang ng dalawang inireklamong bata.