January 16, 2025

Home BALITA Metro

500 pamilya apektado ng sunog sa Sampaloc; evacuation center, nahagip din ng apoy

500 pamilya apektado ng sunog sa Sampaloc; evacuation center, nahagip din ng apoy
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Isang sunog ang tumambad sa tinatayang 500 pamilya mula sa Sampaloc, Maynila nitong Huwebes ng umaga, Enero 16, 2025. 

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nagsimulang kumalat ang apoy ng 5:05 ng umaga at mabilis itong umakyat sa ikaapat na alarma, bandang 5:30 am. 

Nasa 18 ng fire trucks ang kinailangang umapula ng sunog hanggang sa maideklara itong “fire out” ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang 8:08 ng umaga. 

Isang residente naman ang naiulat na sugatan matapos umano nitong tumalon mula sa ikatlong palapag ng kanilang tirahan upang makatakas sa naturang sunog. 

Metro

75-anyos na lolo, hinataw ng bakal na tubo ng kapitbahay

Ayon sa naturang ulat, hindi pa tiyak ang magiging pansamantalang relokasyon ng mga pamilyang apektado ng sunog dahil maging ang kalapit na basketball court na dapat sana'y evacuation center ay nahagip din daw ng sunog. 

Samantala, bagama't hindi pa umano tiyak ang pinagmulan ng sunog, ayon sa panayam ng media kay Barangay 458 kagawad Gabriel de Guzman, hinihinalang sa kandila raw nagmula ang nasabing sunog. 

"Nagstart po yung apoy sa kandila. Meron pong bata na lumabas at meron ding nakita sa kaniya na nasusunog na yung bahay nila, hindi pa siya nagsasalita," ani De Guzman.